Search This Blog

Thursday, June 25, 2009

Mga Gusali (Bantayog ng Pagkatao)

Para kay Apo Lakay (si "Papang" ang aking Ama)
at
kay Rdong, ka-kuntsaba sa lahat ng kalokohan
(ang aking nag-iisang kuya at kapatid)

Sa konstraksyon, sa mga gusali, sa mga malalalalim na hukay ng pundasyon nag-umpisa ang aming pamilya. Maniwala kayo, pati ang love story ng magulang ko sa isang matayog na gusali nag-umpisa. Saksi ang isang gusali sa umpisa ng pagmamahalan ng aking mga magulang. Ika nga nila the rest is history. Sa totoo lang nung bata aku, idol ko si tatay. Siya nga pala ang ama ko at ang aking kapatid ay parehong inhinyero (engineer ba?. Hehehe... Sa katunayan nga, may yearbook kami nun. Lahat naman ata meron nun. Nasa Prep pa lang aku nun, ang tanong eh what would you like to be when you grow up. Dahil sa idolo ko nga si ama ang sagot ko eh, "I want to be an engineer." Sa kalaunan, na mulat din aku na hindi yata ako para sa ganung klase ng propesyon. Sa ganuong klase ng paumumuhay. Na kailangan lumayo ng matagal upang magtrabaho sa ibang bayan. Ganun talaga, "that's life" ika nga nila. Hindi mo makukuha ang lahat. Nakakatawa nga eh, minsan nung nasa greyd two aku nun, tumawag si papang. Biyernes nun, mga 6pm yata dito nun sa Pilipinas tapos siya ay nasa Saudi. Lupain ng mga Arabo. Sabi ko na umuwi na lang siya at tutulungan ko siya. M agiging basurero ako. Mantakin mo yun, naisip ko payun. Na maging isang tagapulot ng dumi ng iba. Pesteng nyawa nga naman.

Ganun talaga siguro. Sakripisyo talaga, sa ngayun naman at sa panahon ngayun. Dapat maintindihan na lang kung bakit kelangan gawin ang mga ganuong bagay. Sa pamilya. para sa pamilya. Sa pagmamahal sa pamilya. Para sa mas magandang kinabukasan at para sa kung anun pang mga dahilan. Dumaan ang elementary at high school. Tuwing panahon, graduation sa totoo lang palaging sa graduation ko lang nakakaatend si papang. Hindi to alam ni utol pero nalulungkot din ako kahit papaano. Dumating ang kolehiyo, si kuya ang nagpatuloy sa propesyon ni papang. Ako naman pagkatapos ng Hyaskul hindi ko alam kung anu kukunin....fast forward ng kaunti, ako ay naging isang nars at si kuya isang engineer. Nakakatuwa lang, kasi ni hindi naman lang naisip ni kuya na maging isang inhinyero. Sa buhay yata, ganun talaga. ekspek the unekspekted. A heto naman aku,hindi ko naman pinangarap mapunta sa larangan ng kalusugan. Hehehe...

Sa kanyang mga gawa daw nasusukat ang isang pagkatao. Siguro nga, tama sila. Success daw kung tawagin sa Ingles. Oo, nasa kaledad ng mga proyekto na kung saan naging parte ang aking ama at kuya ng sukatan ng pagiging matagumpay, sa buhay? Siguro sa propesyon lang. Sabi nga nmg aking kaibigan, sa buhay ng tao mayroon daw tayong apat na bola na madalas nilalaro at palaging dala-dala. Sa apat na iyon tatlo ang gawa sa goma at isa ang gawa sa poselana. Ang bola ng trabaho, kaibigan at mga pangarap ay gawa sa goma. Ngunit ang bola ng relasyon sa pamilya ang bukod tangi na gawa sa goma. Hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag ito.

Sa aking papang at kay kuya. Kayong dalawa ang haligiat pundasyon ng masayang samahan ng ating pamilya. Salat man sa kayamanan ng mundo pero mayaman sa pagmamahal sa isat-isa, na handang ibahagi sa iba.

No comments:

Post a Comment