Search This Blog

Sunday, June 21, 2009

The Calming of the Sea

Happy Father's Day sa lahat ng mga Ama...mabuhay sila...at sa mga magiging Ama, humanda na sa pagbabanat ng buto..lalaki na ang pamilya..hehehe

Galing anu, ingles ang pamagat ng blog tapos tagalog ang binabasa nyo...hehehe
para maiba naman. Freestyle naman ito di ba? Yan kasi yung ebanghelyo kanina sa misa. Sa tagaytay kami nagmisa, pasyal daw sabi ni mamang, ksi nung araw ng mga ina busy daw lahat kaya hindi na siya naipasyal. Talaga nga naman ang mga kababaihan, di magpapatalo sa lahat ng bagay. Si papang, oo na lang. Si kuya tulog sa biyahe. Si bunso, ako po iyon, ang family driver. Sa ganitong mga biyahe, si utol ko talaga ang co-pilot ko (katabi sa harap, yun lang yun akala nyo kapalitan sa pagmamaneho? asa na lang ako..hehehe). Pero iba ang tema kanina, puyat ksai ang utol ko kaya sa likod siya naupo kasama si mamang. Ayun tulog, parang aku din lang. Bukakang ang bibig. Pagod, kawawa naman. buti na lang at walang nahulog na bangaw sa loob. Hehehe..joke lang...

Ayun, nadun na kami...sa Lourdes Tagaytay. Wedding capital of the Philippines daw. May punto nga naman sila kasi kung titignnan ang marriage banns puno nga naman. Sakto, ang magmimisa eh yung kaibigan kong obispo. Si bishop Ted Buhain. Nag-umpisa ang misa, "sa ngalan ng ama at anak at...etc. etc. Amen!" Sermon na, simple lang naman ng sinabi niya. Sa gospel kasi nasa isang banka sina Jesus saka ang mga masusugid niyang alagad. May bagyo, malakas na hangin at umaalon. Yung tipong tataob na sila. Si Hesus steady lang, tulog padin mahimbing pa ang pagkakatulog. Natakot si Pedro, tarantina na ang pinuno ng mga matitikas n alagad. Wala lang maisip gawin kung hindi gisingin ang Panginoon. Sabi ni Hesus, cool na cool lang, "Mga kapatid ko, wag matakot ako ang bahala. Tumigil ka alon at ikaw hangin sumipol ka na lang. Teady lang kayo" Ayun sumunod ang mga pwersa ng kalikasan sa kanya.

Moral lesson ayon ke bishop Ted:
"Sa Pilipinas, may humigit kumulang 20 na bagyo ang dumadaan taon-taon. Sa buahay ng tao madaming unos, o bagyo ang tawagin ang dumadaan. Maaring sa isang pamilya ay pagkamatay ng isang kapamilya o kapuso. Sa isang dating relasyon, ito ay nasira na kadalasan eh hindi pa alam ang dahilan kung bakit nagkaganon. O, sa isang estudyante na nawala ang kanyang Iskolarship. Alam ko na madaling sabihin ngunit mahirap intindihin o unawain na kung bakit kailangan na mangyari ang mga bagay-bagay. Sa isang banda kasi, tayong mga tao ang gusto natin ay maintindihan o dapat may dahilan ang mga bagay-bagay. Hindi po ganun, may dahilan ang panginoon na sya lamang ang nakaalam at sa kalaunan ay atin ding maiintindihan. Kailangan lamang na magtiwala, yun lang ang hinihiling niya sa ating lahat. Mahal tayo ng panginoon, na kahit gumawa ka pa ng masama o mabuti. Lahat mahal niya tayo. Kailangan lang na magtiwala na ang lahat ay magiging mabuti." Amen ba mga tol? Digs ba nating lahat?

3 comments:

  1. Ako ang Kapatid ni Ben Ten, Si Ben TongJune 21, 2009 at 7:51 PM

    Like what the late Pope John Paul II said "Do not be Afraid"... pag nagdasal ka, sabi mo nga ang sagot ng Diyos ay Oo o Hinde.. dahil sa huli, kung hindi man (o oo) yung mas mabuting resulta lagi ang dahilan ng kanyang desisyon. Amen

    ReplyDelete
  2. sa kumento ni ben tong:

    Salamat, ang lupit naman ng iyong pen name...
    isa sa mga mahaba na nakita ko...
    hehhehe...

    Tama ikaw...may mas mabuting bagay ang nahihintay sa ating lahat. Amen!!! Maging masaya lang tayo...

    ReplyDelete
  3. Tama mga repapips, ang lahat ay may dahilan. Ang nakabubuti lamang ang hangad sa atin ng Diyos anuman ang pinagdadaanan natin ngayon. Kailangan lang nating manalig sa kanya at magdasal na makita natin kung ano ang nais ipakita sa atin ng Diyos.

    ReplyDelete