Para kay Herman Placer at
kay Ambeth Ocampo (Henyo ng Kasaysayan)
Malapit nang matapos ang buwan ng kalayaan. Ang tanong, tunay nga ba tayong malaya?
Bago ko ipagpatuloy ang maikli kong pagbabahagi. Hayaan nyong ipakilala ko muna kung sinu ang dalwang tao na aking pinag-aalayan ng Blog na ito. Si ginoong Herman Placer, guro ko sa Araling Panlipunan nuong ako ay nasa unang taon sa mataas na paaralan. Siya ang nagmulat sa akin na hindi lahat ng nasusulat sa libro ng kasaysayan ay totoo. Na ang buhay ng natin ay puno ng kabalintunaan at nasa sa tao kung papaano ito haharapin. Si ginoong Ambeth Ocampo, ang siyang nagbulalas ng ilang mga iskandalo na kinasangkutan ng ating mga bayani. Tunay nga naman na walang perpektong kasaysayan. Kahit ang buhay ng isang tao, marahil ay ganun din. Hindi ba kayo nagtataka na puro magagandang bagay lang ang itinuturo sa atin nung tayo ay nag-aaral pa? Si ginoong Ambeth ang naging susi upang itama ang ilang mga bagay sa ating kasaysayan.
Kasaysayan, mahalaga pa ba ito sa iyo? Eh anu nga naman at bakit kailangan pang pag-aksayahan ng panahon? Anu nga naman kung malaman ko ang mga iskandalo na kinasabwatan nung mga bayani? Bakit nga ba sila naging bayani? Paano ba maging bayani? Kailangan ko bang maging ganun? Malaya nga ba ako, ikaw, tayo ang buong bansa?
Lingid siguro sa kaalaman ng lahat, na binenta tayo ng mga konkistador na mga Espanyol kina Uncle Joe ng Mighty Dollar US of A!!! Ang treaty of Paris? Anu nga ba yun? Basta ang naalala kong itinuturo nun eh, may kasunduan at binayaran ng kung magkano ang mga pupol na mestiso. Kunektado yun, sa tinaguriang "The Battle of Manila Bay." Ang turo pa nga sa amin nun ni Ser Herman iyon daw ay dapat tawagin na "The Mock Battle of Manila Bay." Malaki nga naman ang punto niya, ikaw ba naman lalaban ka pa sa mga barko ni Uncle Sam na gawa sa bakal? Tapos ang mga mestisong pulpol, ang panlaban nila: mga kahoy na barkong pandigma na may kamupupot na kanyon. San ka pa? Tibay ng apog na lang ang nilaban nila. Siguradong bawi naman daw eh. Natapos ang laban, ito ang resulta:
Uncle Sam: 1 patay, 9 sugatan
Mga Mestisong pulpol: 161 patay, 210 sugatan at 7 barko ang tumaob
Di bale daw sabi ng mga mestiso, bayad naman na sila eh. Sinu ang panalo? Pareho sila, tayo ulit ang nauto. Juan Dela Cruz, na-denggoy ulit ng mga konkistador. Kung titignan ng mabuti, hinayaan ng mga kastilaloy na madurog sila ng mga puti para maganda ang pag-alis nila sa Pilipinas. Sa panig naman ni Uncle Sam, bayani ang dating nila sa mga Pilipino. Kasama din ata yun sa usapan nila sa Paris. Naisip ko lang, uso na pala yung mga war movies nung araw no? Para sakin isa itong, pelikula. Maayos nga naman. Plantsado lahat. Ang nakakalungkot nga lang, akala nila Aguinaldo at ng mga tropa niyang mga matatapang na malaya na tayo. Yun pala binenta ng mga kastilaloy ang Rights kung tawagin. Kaya ayun, hindi nila alam na pinapaikot na tayo nila. Magaling sila Uncle Sam, hinayaan nila na magpahayag tayo ng kalayaan. Sa katunayan nga sila pa tumulong para sa press release ng ating kalayaan nuong June 12, 1898. Friendship ang sandata nila para makuha ang kalooban ng mga mababait na pinoy. Hindi tulad ng mga mestisong kampupot ang kanyon, 3 G's ang ginamit: God, Guns ang Gold. Naiwagayway na ang bandila sa balkonahe ni Aguinaldo. Malaya na tayo! Galing ano? Sabi ng mga puti, "Magaling, nandito kami para tumulong." Hindi pa daw natin kaya magtayo ng gobyerno. Tinanggap naman nila Aguinaldo. Sige daw, hindi nila nalalaman nuon na namumuhunan na ang Amerika sa atin. Ngayun tinatamasa na nila ang kanilang return of investment.
Malaya nga ba tayo? Anu nga ba pagkakakilanlan natin?
May kasabihan sila: "History repeats it's self." Tama nga naman, di ba?
Pero hindi ba na mas magandang namnamin ang mga katagang ito:
"History will not repeat only if we learn the lessons of it."
Ganyan din sa buhay natin, sa lahat ng aspeto. Kahit sa personal na buhay at buhay pag-big. Ang buhay ay parang isang giyera. Depende na sa iyo kung gagawin mong scripted.
Napahaba yata ang blog na ito...hahaha..
Search This Blog
Thursday, June 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tama. Ang Pilipinas noon ay ipinagbili ng Espanya sa Amerika sa halagang 10 milyong dolyares. Malaking halaga na yun sa panahong iyon, subalit ganun nga lang ba ang halaga ng ating bayan?
ReplyDeleteTama rin na ginawa lamang iyon ng Espanya upang isalba ang kanilang dignidad. Ang bansang sinakop nila sa loob ng 300 taon kung saang indyo ang tawag nila sa mga nakatira rito ay ang makatatalo sa kanila. Isang malaking kahihiyan sa Espanya na syang sinamantala ng Estados Unidos. Kung tutuusin kahit hindi dumating ang mga Kano pabagsak na ang Espanya sa Maynila at oras na lamang ang hinihintay. Noon pa man ay uso na ang pamumulitika, dahil sa kasunduan napalabas na tigapagligtas ang Amerika bagamat napapalibutan na ng mga Katipunero ang Intramuros.
Malawak at makulay ang ating kasaysayan. Sa likod ng ating mga nababasa ay ang mga katotohanan na kadalasa'y nakakubli at nalilimutan.
Malaya na nga raw tayo. Ngunit sabi nga ni Ginoong Placer,"Lumingon ka sa paligid mo at tingnan ang iyong sarili... hindi ba't puro galing sa dayuhan?"
sa kumento ni kaibigang mad cow:
ReplyDeleteHigit kang tumpak aking kaibigang, malaya nag aba tayo? Kung titignan sa paligid lahat ay may inpluwensya ng mga dayuhan. Hindo ko lang maisip kung mayroon nga bang isang bagay na masasabi natin na pinoy na pinoy.