para sa mga kabataan ng makabago at hi-tek na panahon....
sa mga dati, mga bago at sa mga hndi aku iniwan na mga kaibigan ko...
Isang buwan mahigit na ang nakalilipas ng ako ay mapasok sa isang klase ng buhay na hndi ko inakala na tatahakin ko. Ito ay ang magbigay ng "time-out" sa mga kabataan sa mabilis at magulong mundo ng urbanisasyon. Sinong mag-aakala, ako ang tutulong sa kanila na magnilay-nilay sa kanilang buhay na ako mismo kung minsan ay wala sa wisyo at pawarde-warde lang ang buhay. Ako na malayo sa tinapos ko nuong kolehiyo ang magbibigay ng retreat? Oo, nga pala sa hindi po nakaalam ako ay isang Nars by profession. Kaya laking gulat ng mga ibang nakakakilala sakin pagka nalalaman nila na ako ay nagbibigay ng retreat sa kanila. Ang bungas nila sakin, "Tj nagpari ka na ba?" Natatawa na lang ako, hindi ko din alam ang isasagot. Ang sabi ko na lang tumutulong ako. Yung iba naman ang reaksyon eh sigurado daw pagkatapos makinig sakin at natapos na yung retreat ng mga bata dadami daw ang mga bilanggo. Hmmm...ewan ko lang, baka nga siguro..hehehehe
Sa totoo lang sa mga araw na nilalagi ko dun sa Lipa, mas nakikilala ko ang sarili ko. Kung anu ang mahalaga sa buhay. Kung anu yung importante. Isa na dun ay ang pagkakaibigan Isang kaibigan ang naging daan kung bakit aku nandun. Nag-umpisa sa isang simpleng paanyaya at ngayo habang inaantay ko pa ang magiging takbo ng aking kapalaran eh nandun ako. Tumutulong at kasabay nadin nun ang pagpapahinga. [salamat nga pala kay Ato (si Fr.Bert), yun ang magiliw namin na tawagan]
KA-I-BI-GAN. Kaibigan, ito na marahil siguro ang pinaka importanteng mga tao sa buhay mo sunod sa iyong pamilya. Malungkot daw ang buhay pagka wala ka nito. Sa iba naman ito ang nagiging basehan nila kung anu ang pagkatao mo. The more friends the better you are, the less you are not that good ika nga nila. Kanya-kanyang opinion lang din naman iyan. Pero isa lang ang sigurado ako na sasang-ayunan ng lahat, ang mga kaibigan na magtatagal ayung mga tapat sa iyo at tapat kadin sa kanila. Na tipong kahit anu pa ang mangyari till death do us part ang labanan. Minsan talo pa ang girlfriend or ang asawa. Naalala ko tuloy yung kaibigan ko na clasmeyt ko din nung hayskul. Ang tanung niya sa isang barkada namin,"anu ba ang kaibigan? Nuong una natawa kami, pero nakita namin na seryoso siya. Marahil hindi talaga niya alam kung anu na nga ba. Anu nga ba ang kaibigan?
Marahil ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang mga pakahulugan kung anu ang kaibigan para sa kanila/ sa kanya. Anu man ang dahilan, mga interes mo o intesyon sa isang ato ay dapat respetuhin. Ngunit isa lang ang sigurado ako, ang tunay na kaibigan ay handa mong intindihin at iintidihin ka. Na ang tunay na kaibigan ay walang pinipiling oras kung kailan siya hihingi ng tulong sa iyo at ganun ka din sa kanya. N anag tunay ay kaibigan ay kaya mong tanggapin ang lahat ng kahinaan at ganun kadin sa kanila. Na ang importante ay kung sino ang dumating sa buhay mo at hndi ka nila iiwan. Yun marahil siguro ang sukatan ng Pagkakaibigan.
Sa mga kaibigan ko...salamat...at wlang hanggang pasasalamat...
Search This Blog
Tuesday, August 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hinding-hindi ako pababayaan ni yahweh dahi; siya lang ang sandigan ko hanggang sa aking kamatayan wala na kong sasambahin kundi siya lang dahil siya n na rin ang tinuturing kong kaibigan at wala nang iba kuya kundi siya lang!!! he is my protector and my savior because god is more than enough for me and he is my provider.
ReplyDelete